Google Input Tools na extension ng Chrome OS
Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Input Tools na extension ng Chrome OS na mag-type gamit ang iyong gustong wika sa Chrome OS.
Ang mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng extension ng Chrome OS at extension na Google Input Tools ng Chrome ay ang:
| Feature | Chrome extension | Chrome OS extension |
|---|---|---|
| Mga sinusuportahang platform | Chrome browser sa anumang computer (Windows, Mac, Linux) | Mga Chrome OS computer lang |
| Gumagana sa address bar (Omnibar)? | Hindi | Oo |
| Gumagana offline? | Hindi | Oo |
Kasama na ang Input Tools sa Mga Chromebook. Kung gumagamit ka ng Chromebook na may Bersyon 28 o mas mataas, nakahanda ka na upang gamitin ang Input Tools. Kung hindi man, i-upgrade ang iyong Chromebook. Kung gumagamit ka ng Chromium OS, i-install ang extension ng Chrome OS mula sa Chrome Web Store.
Pumunta sa Mga Setting → Ipakita ang mga advanced na setting → Mga Wika. Mag-click sa button na "Mga setting ng wika at pag-input." Piliin ang (mga) input tool na gusto mong gamitin. Tandaan na isinasaad ng mga pamamaraan ng pag-input na may label na [Pangalan ng wika sa katutubong wika] ([Pangalan ng wika ng UI ng Chrome]), hal., हिन्दी (Hindi), ang uri ng transliteration ng Input Tools. Kino-convert ng mga tool ng Transliteration ang iyong pag-input ayon sa pagbigkas papunta sa target na wika.
Pagkatapos ng configuration, i-on ang pamamaraan ng pag-input na gusto mo. Mag-click sa kasalukuyang ginagamit na pamamaraan ng pag-input, hal., "US" sa launcher (hal., ang bar/panel ng notification sa kanang bahagi sa ibaba ng iyong screen).
Lalabas ang isang listahan ng mga napiling pamamaraan ng pag-input (kasama ang mga input tool mula sa extension). Piliin ang input tool na gusto mong gamitin. Upang magdagdag ng bagong input tool, mag-click sa "I-customize ang mga wika at input...".
Ngayong nakapili ka na ng input tool, ilipat ang cursor sa anumang kahon ng input (sinusuportahan din ang omnibox), maaari ka nang magsimulang mag-type.
Mga kaugnay na artikulo sa kung paano gumamit ng mga indibidwal na input tool:
Input
Tools