Pangkalahatang-ideya ng mga feature
Makakatulong sa iyo ang Google Input Tools na mag-type nang mas madali gamit ang gusto mong wika. Kasalukuyan kaming nagbibigay ng ilang uri ng text input tool:
- Kino-convert ng IME (Input Method Editor) ang iyong mga keystroke sa ibang wika gamit ang isang conversion engine.
- Kino-convert ng Transliteration ang mga tunog/phonetics ng text sa isang wika patungo sa isa pang wika na pinakamahusay na tumutugma sa mga tunog. Halimbawa, iko-convert ng transliteration sa "नमस्ते" ang "namaste" sa Hindi.
- Ang virtual na keyboard ay nagpapakita ng keyboard sa iyong screen na nauugnay sa mga key sa totoo mong keyword. Maaari kang mag-type nang direkta sa ibang wika batay sa layout ng on-screen keyboard.
- Hinahayaan ka ng sulat-kamay na mag-type ng text sa pamamagitan ng pagguhit ng mga character gamit ang iyong mga daliri. Sa kasalukuyan, available lang ang sulat-kamay sa Chrome extension na Google Input Tools.
Matutunan kung paano i-configure ang Input Tools sa mga setting ng Google Account.
Matutunan kung paano gamitin ang Input Tools sa mga produkto ng Google, kasama ang Gmail, Drive, Search, Translate, Chrome, at ChromeOS.
Upang subukan ito, pumunta lang sa aming pahina ng demo.
Input
Tools