Virtual na Keyboard

Nagbibigay-daan sa iyo ang virtual na keyboard, o "on-screen" na keyboard, na mag-type nang direkta sa iyong lokal na script ng wika sa isang madali at hindi nagbabagong paraan, kahit nasaan ka man o anumang computer ang iyong ginagamit. Kasama sa ilang karaniwang gamit ng virtual na keyboard ang:

May saklaw ang virtual na keyboard na lagpas 100 keyboard para sa mahigit 70 wika. Tingnan ang tutorial na video na ito upang matutunan kung paano gamitin ang virtual na keyboard. Subukan din ito online.

Upang gumamit ng virtual na keyboard, ang unang hakbang ay i-enable ang Input Tools. Sundin ang mga tagubilin upang ma-enable ang Input Tools sa Search, Gmail, Google Drive, Youtube, Translate, Chrome at Chrome OS.

Kinakatawan ng icon na keyboard ang mga virtual na keyboard . Ang pag-click sa icon upang i-on/i-off ang kasalukuyang IME o ang pag-click sa arrow sa tabi nito upang pumili ng isa pang input tool. Kapag naka-activate ang isang virtual na keyboard, nagiging mas madilim na grey ang button .

Gamitin ang virtual na keyboard sa pamamagitan ng pag-type sa iyong sariling keyboard na para bang ito ang virtual na keyboard, o sa pamamagitan ng pag-click ng mga key sa virtual na keyboard nang direkta gamit ang iyong mouse.

Upang ma-minimize ang on-screen na keyboard, i-click ang arrow sa kanang itaas ng on-screen na keyboard.