Sulat-kamay

Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-input ng sulat-kamay na direktang magsulat ng mga salita gamit ang mouse o trackpad. Sinusuportahan ng sulat-kamay ang mahigit sa 50 wika.

Upang gumamit ng pag-input ng sulat-kamay, ang unang hakbang ay i-enable ang Input Tools. Sundin ang mga tagubilin upang ma-enable ang Input Tools sa Search, Gmail, Google Drive, Youtube, Translate, Chrome at Chrome OS. Tandaan na maaaring hindi available ang pag-input ng sulat-kamay sa ilang wika sa ilan sa mga produkto sa itaas.

Panoorin ang tutorial na video na ito upang matutunan kung paano gumamit ng pag-input ng sulat-kamay sa extension ng Chrome ng Google Input Tools.

Kinakatawan ang pag-input ng sulat-kamay ng icon na lapis .Kapag gumagamit ng pag-input ng sulat-kamay, galawin ang iyong trakpad/mouse papunta sa panel ng sulat-kamay. Patuloy na pindutin ang trackpad/mouse upang gumuhit ng mga character. Ipapakita ang mga opsyong character na magmamapa ng iyong sulat-kamay. Pumili ng opsyon sa pamamagitan ng pag-click sa character, o pindutin ang ENTER o SPACE key upang piliin ang unang opsyon.